Is anyone out there???

If it ever was possible to love and feel alone... this is it

If it ever was possible to have friends and feel alone... this is it

Friday, September 15, 2006

Bigla Atang Bumoring ang Buhay...

Naiirita ako kapag walang masaya na nangyayari sa buhay. Naiirita ako kapag walang stressful na nangyayari sa buhay. Para ngang bumibilis ang paglipas ng mga araw pero mas boring naman ang buhay. Bakit ganoon. Bakit minsan hindi sapat na mahal ako ng iniibig ko? Bakit minsan di sapat na pumapasa na ako sa mga subjects ko? Bakit minsan hindi sapat na minamahal na ulit ako ng magulang ko? Bakit hindi sapat na malapit kami ng kapatid ko? Bakit hindi sapat na may mga kaibigan ako? Bakit hindi sapat ang holding hands? Bakit hindi sapat ang buhay? Bakit hindi sapat ang ligaya? Hindi pa lubusang nagpapaalam ang sakit sa buhay ko, pero bakit namimis ko na siya? Para akong napag-iwanan ng matalik na kakilala.

Para akong tinakwil. Bakit kaya? Parang lumang hangin ang hinihinga ko. Parang napakatagal na nang huli kong malanghap ang tunay na buhay...

0 Comments:

Post a Comment

<< Home